Kris Bernal nag-social media detox, enjoy sa ‘mental vacay’: Feeling energized, focused, and inspired! Bandera | Bandera

Perry Choi at Kris Bernal

NAPAKALAKING tulong daw para makapahinga sa kanyang super busy life ang isinagawang “mental vacay” ng Kapuso actress-entrepreneur na si Kris Bernal.

Itinuturing ng aktres at resto business owner na isang bonggang-bonggang achievement ang ginawang social media detox nitong nagdaang linggo.

Dahil dito, mas nakapag-focus daw siya sa ilang bagay na mas mahalaga ngayon sa kanyang buhay, lalo na sa pagsasama nila ng asawang chef-businessman na si Perry Choi.

Sa pamamagitan ng Instagram, nag-share si Kris ng isang video kung saan makikita ang pagbabakasyon niya recently. Relax na relax lang ang aktres habang nakasakay sa isang maliit na yate at pinagmamasdan ang sunset at ang napakagandang dagat.

Aniya sa caption, “Feeling energized, focused, and inspired. I spent a few days inactive from social media and it was a much needed quiet period, a much needed mental vacay.

“It’s not a big deal, nakakabitin pa nga, but it made an impact for me because I’ve become so reliant on social media and my cellphone in general,” pahayag pa ng lead star sa Kapuso series na “Artikulo 247” kasama sina Rhian Ramos, Mark Herras at Benjamin Alves.

Sey pa ng aktres, marami na naman siyang realizations at natutunan after niyang mag-social media break.

“I was mostly doing the following: more meditation time, using my energy and focus towards priorities, realigning some goals,” dagdag pang mensahe ng aktres.

View this post on Instagram


Sa huli, nabanggit din niya kung bakit ipinaaalam niya ito sa kanyang supporters at social media followers.

“Why am I sharing this? Well, because as much as I highlight my highs, I think it is just imperative that I be honest about my lows.

“There’ve been really great days and some not so great but I have learned so much in the past days. Of all things though I have been reminded daily of ‘Every day is a chance to begin again,’” lahad pa ni Kris.

Bukod sa kanyang mga TV projects sa GMA, hands-on din ang Kapuso drama actress sa mga negosyo nila ng asawang si Perry Choi.

Ikinasal ang mag-asawa noong Sept. 25, 2021 at sabi ni Kris, handa na raw sila na bumuo ng pamilya at magkaroon ng baby.

The hottest celebrity news delivered to your inbox

This content was originally published here.

Can't Get enough Freebie, Subscribe

We will send you the latest digital Marketing technology and methods that should help you grow your business.

More Articles